Home > English > Products > Phonecards > NoticeFilipino

  Mga gabay tungkol sa ‘fees’ at ‘charges’ ng Pre-Paid Phonecard Products

Ang CARDCALL ay sumasang-ayon sa  Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) na ipahayag sa mga bumibili ng phone cards ang mga sumusunod na alituntunin:

Ang mga gumagamit ng phone cards ay kailangang basahin ang mga ‘terms and conditions’ upang maunawaan ang mga kaukulang bayarin sa pag-gamit ng kanilang phone cards.

Upang tiyakin na ikaw ay makakakuha ng pinakamahusay na halaga ng phone card para sa iyong mga pangangailangan, dapat mo ring malaman ang ibang bayarin na maaring ubusin ang halaga ng iyong phone cards.

Mga singil sa tawag

Ito ang ‘call rate’ ng bawat minutong singil sa isang tawag.  Kung ang ‘call rate’ ay mababa, dapat mong alamin ang iba pang mga singilin na maaaring maka-pagpataas ng halaga ng isang tawag, tulad ng singil sa koneksyon kada tawag, sa pag-putol ng koneksyon, o sa serbisyo.

Mga bayarin sa koneksyon kada tawag o sa pag-putol ng koneksyon

Maaring sumingil ng pag-kabit o ‘connection fee’ para sa bawat tawag na mai-kokonekta. Ang isang phone card na sumisingil sa koneksyon ay maaaring magkaroon ng mas mababang ‘call rate’ kada minuto, ngunit ang hiwalay na bayad sa koneksyon ay maaaring mabilis na maka-ubos ng halaga ng phone card.

Bayad sa Serbisyo  

Ang bayad sa serbisyo ay maaaring magamit para sa inyong ‘phone card’ araw-araw o bawat ika-dalawang araw o kahit na lingguhan. Ito’y karaniwang magsisimula sa araw ng inyong unang tawag, at magpapatuloy hanggang maubos ang halaga ng phone card.

Pagitan ng singil sa bilang minuto   

Mahalagang suriin ang bilang ng minuto na ginagamit ng mga kompanya ng ‘phone cards’ upang malaman ang bilang ng haba ng inyong tawag, gamit ang prepaid phone card. Karaniwan, ito ang basihan ng kanilang mga singil. Ito ay ang tinatawag na ‘incremental billing’ na nagbibigay ng isang halaga lamang sa tawag na may 2, 3 o 4 na minutong pagitan. Halimbawa, ang isang ‘phone card’ na buma-base sa 3 minutong pagitan o ‘incremental’,  ang isang tawag 4 4 minuto ang haba ay sisingilin sa bilang na 6 minuto.

Singil sa ‘Off peak’ o ‘24 hours’   

Ang ‘24-Hour phone card’ ay manatiling pareho and singil sa bawat tawag, anumang oras sa araw at gabi. May iba namang ‘phone cards’ na ang singil ay ayon sa oras na tinatawag na ‘Peak’ o ‘Off-Peak’. Ang singil ng tawag sa mga oras na ‘Peak’ (maaring buhat 9.00 ng umaga hanggang 6.00 ng hapon) ay mas mataas kaysa sa mga oras na ‘Off-Peak’ (ito ay karaniwang nakatalaga buhat ika-2.00 ng umaga hanggang ika-6.00 ng umaga.) Kung ang gamit ninyong ‘phone card’ ay ‘off-peak’ lamang, kailangang maliwanagin ang nakatalagang oras para magamit ito.

Mga tawag sa cell phones   

Ang mga tawag sa cell phones ay karaniwang mas mataas ang singil kada minuto. Kung ibig ninyong tumawag sa isang cell phone, kailangang malaman muna kung ito ay kasama sa mga naka-talagang ‘call rates’ o ito ay may mas mataas ang singil sa karaniwang ‘call rates’.

Araw ng Pagka-ubos ng Halaga   

May mga ‘phone cards’ na mauubos and halaga sa loob ng 3 o 6 na buwan buhat sa unang paggamit nito. Kailangang alamin ang expiry o pagkaubos ng halaga ng inyong ‘phone card’ at alamin rin kung ang phone card ay maaring gamitin muli sa pamamagitan ng pag-recharge nito.

Pag-bilang sa pinakamalapit na halaga.

Ang ibang ‘phone cards’ ay binibilang ang halaga ng bawat tawag sa pinakamalapit na 1 sentimo o 5 sentimo.  Halimbawa, tulad ng halaga na 24 centimo ay gagawing 25 centimo, atbp.